Binata huli sa pagbebenta ng shabu

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City Lunes ng gabi, Mayo 9.

Ang suspek ay nakilala na si Risky Alonte, 22, residente ng Masagana St., ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa ginagawang pagbebenta ng shabu ng suspek sa nasabing lugar.

Dahil dito, dakong 11:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa Masagana St., kung saan isa ang nagpanggap na bibili.

Nang iniaabot na ng suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P500 ng poseur buyer ay agad na dinamba ng mga pulis si Alonte.

Nakuha din sa kanya ang dalawang sachet pa ng shabu at mga drug paraphernalia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply