Binata sinaksak ng bestfriend, tigok

ISANG tama nang saksak sa kanang bahagi nang itaas na balikat ang ikinasawi ng isang 18-anyos na binata matapos na saksakin ng kanyang kaibigan na isang menor de edad sa Tondo, Maynila, kaninag madaling araw, Mayo 3.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Robin Rellos, binata ng 840 Gabriel St., Tondo, habang kusang loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na itinago sa pangalang Diego, 16, high school graduate at residente ng 2735 Juan Luna St., Gagalangin Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Gerardo Rivera kay P/Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay ng isa sa kanilang kabarkada sa 753 Int.83 Raxabago St., Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya, matapos umanong maglaro ng computer ang magkakabarkada na kinabibilangan ng mag-bestfriend, nagtungo sila sa bahay ng isa pa nilang kabarkada na si Leo Cordero.

Doon nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at nauwi ito sa suntukan, naawat naman sila ng kanilang kabarkada,  ngunit ilang sandali pa lamang ang nakakaraan ay muling nagsuntukan ang dalawa at dahil sa mas malaki si Rellos kay Mempin, nagdilim umano ang paningin ni Mempin at nang makakuha ng kutsilyo sa kusina ay agad na itinarak ito sa kanang itaas ng balikat ng biktima.

Matapos humandusay sa semento, mabilis na isinugod sa nasabing ospital si Rellos, subalit sa daan pa lamang ay binawian na ito ng buhay dahil sa pagkaubos ng dugo.

Agad din namang sumuko ang suspek sa awtoridad. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply