Binata sinumpak ng mga kaaway sa puwet

MALUBHANG nasugatan ang isang binata sa Navotas City Martes ng gabi matapos sumpakin ito sa puwet habang naglalakad ng mga kaaway nito .

Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) si Jade Gallego, 19, ng Phase 1B, North Bay Blvd. South ng lungsod.

Nadakip sina Mark Anthony Noma, 20, John Vincent Siapo, 18, Jovito Barma, 20, at Romelio Babao, 19, pawang mga taga-Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-otso ng gabi ay naglalakad ang biktima sa DMCI Flood Control sa NBBS nang sumpakin ni Noma habang nagsilbing look-out ang tatlo.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang nadakip naman ang mga suspek.

Nabatid na madalas karambulan ng mga suspek ang grupo ng biktima at nang matiyempuhan ay agad na sinumpak.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply