Binatang aburido sa buhay nagbigti

PATAY ang isang 21-anyos na binata matapos itong magbigti sa kanyang sarili dahil sa pagkaaburido umano sa kanyang buhay Biyernes ng hapon, Mayo 27, sa Tondo,Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg,hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Aaron Lacsamana ng 1717 Interior 11 F. Varona St., Tondo,Maynila.

Sa report ni SPO1 Milbert Balinggan, dakong alas-3:00 ng hapon ng itawag ng MPD-Police Station 1 ang insidente kung saan nagpatiwakal ang biktima sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa nasabing lugar.

Nabatid na may iniwang suicide note ang biktima ngunit wala umanong ibang binanggit hinggil sa kanyang pagpapakamatay kundi ang pagpapaalam lamang sa kanyang mahal sa buhay.

Huling nakitang buhay si Lacsamana ganap na alas-200 ng hapon habang umiinom ito ng red horse.

Nakita naman siya ng kanyang 10-anyos na pamangking lalaki na nakabitin sa kisame gamit ang nylon na lubid.

Agad na tinanggal sa pagkakabitin ang biktima at inihiga sa sahig upang i-revive ngunit hindi na rin ito nailigtas pa.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil dito Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply