Binatang may kasong murder nadakip

NAHULI na ng mga pulis ang isang binatang gangster na kasamang pumatay sa isang kalugar sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na si Paolo Terraza, 20 ng Binangonan st., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, dakong 8:30 kagabi, Mayo 19, nang madakip ang suspek malapit sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rowena Nieves Tan ng RTC Branch 121.

Ayon kay Chief Insp. Crisanto Lleva, hepe ng District Intelligence Unit ng NPD, si Terraza ay isa sa tatlong suspek bumaril at nakapatay sa kalugar na si Jericho Alaceda noong Abril 19, 2010 sa nasabing lugar.

Naunang nadakip ang kasama ni Terraza na si Reynald Simbillo habang pinaghahanap pa si Robert Jay Trinidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply