Binatang nalipasan ng gutom nang-hostage

MAKARAANG malipasan ng gutom habang lango sa droga ay napraning ang isang binata at nang-hostage ng isang ginang sa Navotas, Lunes ng madaling-araw.

Sa ulat, dakong 5:20 ng madaling-araw nang mapraning ang suspek na si Joel Torre, 27, ng Bacog, San Jose  at hinatak saka tinutukan ng patalim si Grace Caragdag, 41, sa Kahunari 1, San Jose, nasabing lungsod.

Kinaladkad ng suspek sa kalsada ang biktima habang nakatutok ang patalin sa leeg ng ginang na naging dahilan upang tumawag ng mga pulis ang mga residente sa lugar.

Matapos ang isang oras na pakiusapan at nang mabigyan na ng pagkain ang suspek ay binitawan na nito ang biktima.

Agad dinala ang biktima sa Tondo Medical Center upang masuri at nang masigurong nasa ligtas na kalagayan ay pinauwi na ito habang idiniretso naman sa presinto ang suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply