Binatilyo kritikal sa tinamong saksak

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang binatilyo matapos pagsaksakin ng kapwa binatilyo ng  magkasagian ang mga ito sa daan Biyernes ng gabi, Mayo 13, sa Barangay Tanza, Navotas City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang  malalim na saksak sa likod at sa harapan ay nakilalang si Joshua Cacio.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos maisagawa ng pananaksak ay nakilala lamang sa alyas ng Junjun.

Base sa isinagawang imbestgasyon ni P03Belany Dizon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas Police, dakong 11:45 ng gabi ng maganap ang insidente.

Ayon sa ulat naglalakad ang biktma sa daan ng nakursunadahan at a binangga sa katawan ng suspek.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at isang suntok ang pinakawalan ni Joshua sa mukha ni Junjun subalit sa halip na suntok din ang iganti ay nagbunot ng patalim ang huli at dalawang saksak ang iginanti nito sa biktima.

Mabilis namang dinala ng ilang kaibigan ang duguang biktima sa nasabing pagamutan habang ang suspek ay agad tumakas dala ang ginamit na patalim.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing kaso at isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply