Binatilyo ‘sinuwag’ ng pick-up sa QC todas

PATAY ang 11-anyos na binatilyo makaraang suwagin ng isang pick-up matapos biglang tumawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si Dilberto Jacuya, Jr. ng Visayas St., Payatas A, Quezon City.

Agad namang sumuko ang suspek na si  Ricardo  Dipalucos, Jr., 38, ng Lot 35 Block 48 Phase 12, Package 3, Caloocan City driver ng Mitsubishi Strada pick-up (ZNZ-821).

Ayon kay Crisanto Cragasin, traffic enforcer aide ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCTEU)  Sector 5, naganap ang  insidente dakong  2:30 ng madaling-araw kanina nang bigla umanong tumawid ang biktima  sa Commonwealth Market, Commonwealth Avenue, QC.

Sinabi naman ng driver na hindi umano niya sukat akalain na  may tumawid na tao dahil may railing  naman sa center island.

Sinabi sa ulat na bago umano masagasaan ang biktima ay  nakikipaglaro ito sa ilan pang mga tambay na kabataan sa nasabing highway nang maganap ang insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply