Binibili ang mga lisensya ng mga taga-shipping line

IBINULGAR ng isa sa mga tagatangkilik ng pahayagang Remate na karamihan daw sa Officers ng isang Shipping Line na nakabase sa Bicol ay binibili lang ang kanilang mga lisensya sa halagang P25K.

Ang akusasyong ito na binibili ng mga opisyal ng nasabing Shipping Line ang  kanilang mga lisensiya ay dapat imbestigahan ng  Maritime Industry Authority (MARINA) bago pa magkaroon ng mga indulto ang mga ito.

Baka pagmulan ito ng malaking disgrasya sa dagat.

Paging MARINA Admin. Emerson Lorenzo, pakibusisi nga kung gaano katotoo ang sumbong na ito. Basahin natin ang nilala-man ng reklamo ng isa sa mga tagatangkilik ng Remate.

Gud am, SirJohnny.

Tulungan ninyo naman kami rito sa …Shipping Line na nakabase rito sa Bicol.

Karamihan kasi sa mga opisyal ng nasabing shipping line ay binibili lang ang kanilang mga lisensiya sa halagang P25K.

Kumpleto ang buong mga papeles pero hindi naman nag-exam dahil nagpapalakad lang sila sa
mga operations manager.

Ang balita pa namin ay malakas daw sa Maritime Industry Authority ang … Shipping Line kaya kahit  palyado ang mga lisensiya at  mga dokumento ay inookeyan ito ng nasabing ahensiya ng pagbabarko.

HARI NG VK HARI NG COLLECTION SA EPD

Patuloy raw ang pagla-latag ng mga video-karera (VK) nitong pulis na si PO2 Jigs Servillion.

Bilib naman ako sa lakas at pagka-spoiled sa PNP nitong si PO2 Servillion. Bukod sa operator ng mga demonyong videokarera ang mamang pulis na ito, siya rin pala ang taga-kolekta ng lingguhang intelihensiya ng CIDG-NCR.

Malakas sa PNP ang pulis na ito kaya kahit vertical ang trabaho okey sa PNP.

Ano ba ito PNP, chief Gen. Raul Bacalzo, bakit ganito siya kalakas!!!

oOo

Anomang reklamo o pu-na, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply