Biofuels lalong magpapahirap sa mamamayan – NGO

LALO lamang umanong palalalain ng pagpasok ng biofuels sa bansa ang matinding kahirapan sa kanayunan, ayon sa isang non-government organization (NGO) na tumututok sa kalagayan ng mga Pinoy sa probinsiya.

Ayon sa inilabas na briefing paper ni Danilo T. Carranza ng Rural Poor Institute for Land and Human Rights Services (RIGHTS), Inc., binabago ng biofuels production ang pamamaraan ng paggamit ng lupa sa Pilipinas.

Sa Isabela na lamang, mula sa produksyon ng feeds at pagkain, tumututok na ang lalawigan sa produksyon ng fuel habang sa Cavite mula sa food production ay lumilipat na rin sila sa fuel production.

“Biofuels investments threaten food security as food producing areas are converted to biofuels feedstock production. The rate of conversion from lands-for-food to lands-for-biofuels may be even faster than government’s effort to establish new food production areas because of the aggressive expansion of biofuels feedstock plantation,” paliwanag pa ni Carranza.

Bukod sa banta sa seguridad sa pagkain, hindi rin umano ito nakakatulong sa ating kalikasan dahil sa halip na gamitin sa pagpapalawak ng kagubatan ang ating forest areas ay ginagawa na itong lupain para sa biofuels production.

“This shift in forest use may further hasten the deforestation in areas where biofuels corporations are operating,” sabi pa ni Carranza.

Nakikipagkumpetensiya rin daw ang biofuels production sa ating repormang pansakahan at programa para sa pagpapalawak ng kagubatan sapagkat ang mga lupang para sana ay sa pagsasaka at pangangalaga ng kalikasan, naisasailalim na sa kontrol ng mga kumpanya ng biofuels sa bisa ng mga kontratang kanilang pinapasok kasama ang mga may-ari ng lupa.

Bunsod nito, ang pagpasok ng biofuels sa maraming komunidad sa kanayunan ay magpapalala lamang daw sa kahirapan dahil sinisira nito ang maliliit na sakahan at inilulugmok ang libo-libong pamilya sa murang lakas-paggawa na tumatanggap lamang ng kakarampot na sahod at hindi nagagarantiya ang kanilang seguridad panglipunan.

Naniniwala ang RIGHTS na tanging ang mga mayayamang bansa, malalaking kumpanyang dayuhan at domestikong korporasyon lamang ang makikinabang sa biofuels production.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply