Birth registrations ilibre — Robredo

BILANG suporta sa “Free Birth Registration Program,” ng pamahalaan, pinakiusapan ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang lahat ng mga lokal na opisyal ng lungsod at munisipalidad na ilibre na lamang ang mga bayarin sa pagrerehistro ng birth registration sa kanilang local government units.

“Waiving the birth registration fee would encourage parents, especially those whose children have not yet been  registered, to participate in birth registration  campaign,” ani Robredo.

Ang free birth registration program, ng gobyerno ng libre para  sa lahat ng lungsod , munisipalidad sa buong bansa ay para lamang sa buong buwan ng Mayo bahagi rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na ipinatutupad ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD),  na uportado ng DILG at National Statistics Office (NSO).

Sakop ng birth registration, ang napapanahon at delayed na pagrerehistro , gaya ng Indigenous Peoples, mga batang anak ng indigent parents, mga mag eenroll sa mga  public schools at mga estudyanteng walang birth certificates, at lahat ng 4Ps beneficiaries.

Ani Robredo , binibigyang kahalagahan ng programa ang birth registration at mapaigting ang kampanya partikular sa mga IPs at iba pang marginalized sectors, at buong suporta ng katuparan ng 4Ps beneficiaries.

Sa kanyang direktiba  inatasan ng kalihim ang lahat ng city at municipal mayors na suportahan ang programa para sa buong buwan ng Mayo sa pamamagitan ng libreng pagrehistro ng kapanganakan, napapanahon man o delayed.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply