Blue Eagles, 4-0; Bulldogs laglag sa 4-1

PINALUHOD ng Ateneo Blue Eagles ang Arellano University Chiefs, 70-52, inilaglag ng Adamson Falcons ang San Juan De Letran Knights, 70-56, habang inalisan ng pangil ng San Sebastian College Stags ang National University Bulldogs, 81-74, sa triple game encounters sa FilOil Flying V Hanes preseason Premiere Cup, Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bumandera sa Blue Eagles si rookie Kiefer Rabena sa kanyang 12 puntos na dinagdagan ng tig-sampung puntos nina Nico Salva at Kirk Long na ikinatuwa ni Coach Norman Black sa kanilang panalo sa kabila ng hindi paglalaro ng prized center na si Greg Slaughter na may lagnat na dinaramdam.

Nauwi naman sa wala ang 34 points output ni Bobby Ray Parks ng Bulldogs ng kapusin sila sa 74-81 pagkatalo sa San Sebastian Stags na nagpababa sa kanila sa 2-1 slate.

Nanguna sa stag scoring sina Ian Sangalang na bumuslo ng 20 puntos na dinagdagan ng tig-18 nina Ronald Pascual at Calvin Abueva. Nakasungkit pa ng sampung boards si Sangalang, 14 boards si Abueva at 3 assists si Pascual sa kanilang come-from-behind (37-47) sa first half na nabawi ng tropa ni Coach Turo Valenzona sa kalagitnaan ng last quarter.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply