Blue Eagles target ang 6th win

KAHAHARAPIN ng Ateneo Blue Eagles ang defending champions na San Sebastian College Stags tungo sa pagsungkit sa ika-anim na diretsong panalo sa Group A ngayong hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang laro ay ika-anim ng koponan bago tumulak sa Estados Unidos bilang paghahanda sa regular na liga ng university at collegiate teams.

Isang linggong training bilang paghahanda para sa inaambisyong 4-peat ang aasintahin ng Ateneo sa paglunsad ng susunod na collegiate league.

Kasama sa paghahanda ang ilang tune-up games sa San Francisco, USA bago sila magtuloy sa Las Vegas sa Abunassar Camp.

Sa kabila ng preseason panalo laban sa National University Bulldogs, 71-66, noong Sabado, mahaharap sila sa mabigat na laro laban sa San Sebastian Stags na nasa pangalawang pwesto na tangan ang 2-1 win-loss slate.

Ang mga kasalukuyang manlalaro ng Stags na muling hahawakan ni Coach Arturo Valenzona ay mga naglalaro sa kasalukuyan sa koponan ng NLEX Road Warriors sa PBA Developmental League na sina Ronald Pascual, Calvin Abueva at Ian Singalang.

Huli nilang tinalo ang National University Bulldogs sa score na 81-74 noong Miyerkules.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply