Bodega ng nuclear waste balak itayo

BALAK ng bansang Hapon at Estados Unidos na magtayo ng bodega ng mga nagamit na nuclear fuel sa bansang Mongolia para sa mga bansang may mga nuclear plants subalit walang mapag-iimbakan ng kanilang mga nuclear wastes.

Napag-usapan na ito ng dalawang bansa bago pa man ang kalamidad noong Marso 11 na humampas sa Japan kaya’t hindi pa nasundan ang pag-uusap para rito.

Magsisilbing kakumpetensya umano nito ang kaparehong facility sa Russia para sa mga spent fuels na iimbakan ng mga kumpanyang nagtatayo ng mga plantang nuklear tulad ng Hitachi, General Electric, at Toshiba.

Balak din ng bansang Mongolia na magtayo ng kauna-unahang plantang nukleyar sa kanilang bansa  sa taong 2020 upang magamit ang kanilang mga uranium deposits at hindi natigatig sa nangyaring krisis sa Fukushima Nuclear Complex sa Japan.

Sa kasalukuyan ay patuloy na tumatagas ang nuclear reactor sa Japan na sinira ng tsunami noong Marso. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply