Boksing at kalusugan

MULI na namang iniangat ni Manny “Pacman” Pacquiao ang pangalan ng Pilipinas sa mundo ng sports matapos na matagumpay na nadepensahan niya ang kanyang WBO welterweight crown kay Sugar Shane Mosley noong Linggo (Mayo 8, petsa sa Pilipinas) sa Las Vegas, Nevada.

Nagwagi si Manny via unanimous decison. At sa ngayon ikinakasa naman ang laban niya at lumilitaw ang pangalan ni Manuel Marquez na noon ay nakalaban niya ng dalawang beses, una ay draw at ikalawa ay nanalo ang Pambanasang Kamao.

Maraming tagahanga at nagmamahal kay Manny ang nagsasabing narating na niya ang lahat sa larangan ng boksing. Ilan sa mga concern sa kanyang kalusugan ay nagsasabing iwanan na niya ang pagboboksing at mag-focus na lamang sa kanyang bagong simulang career, ang pagiging mambabatas.

Nangunguna ang kanyang ina na si Mommy Dionesia sa pagsasabing magretiro na siya sa boksing, ani Mommy D, para siyang mamamatay kada tinatanggap ng kanyang anak ang mga suntok ng kanyang nakakalaban.

Maging ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay nais na magbitiw na si Manny sa boksing. Ayon sa Pangulo, bawat laban ay nagtatamo ng damage ang katawan ng itinuturing na “Hari ng Ring.”

Napakagandang sports ang boksing lalo na ng kaladkarin paitaas ni Manny ang Pilipinas sa tuwing mananalo siya.

Ngunit, hahayaan na lang ba nating may mangyaring masama sa ang ating Pambansang Kamao na ilang ulit nang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at sa mga Filipino?

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang boksing ay isang delikadong sports.

Base sa pag-aaral ng mga eksperto, kahit anong aktibidad na natatamaan at nasasaktan ang katawan ng tao lalo na ang ulo ay talagang mapanganib.

Dahil sa mapanganib ang larong ito sa kalusugan ng tao, ang mga Boxing’s controlling bodies ay gumawa ng mga regulasyon para ma-minimize ang danger nito sa kalusugan ng taong naglalaro nito, gaya ng Mohammed Ali Boxing Reform Act.

Ngunit hindi mapipigilan ito dahil isa ang boksing sa pinakasikat na sports sa mundo. At talagang malaki ang pinsalang maidudulot nito sa katawan ng boksingero lalo na ang mga lalaki.

Kabilang ang boksing sa “dangerous sports.” At kahit na may mga namatay na sa sports na ito, hindi pa rin alam kung ilan ang bilang nila ngunit ang death rates ng sports na ito ay mas mataas kaysa sa ibang sports katulad ng horse racing at iba pang sports na di gaanong risky at delikado.

Mga injury na resulta ng boksing

Head Injury
-Base sa American Association of Neurological Surgeons, 90 porsiyento (90%) ng mga boksingero ay nagkakaroon ng brain injury. Mas konti man ang namamatay sa larangang ito kaysa sa iba pang dangerous sports ngunit ang bilang ng mga boksingero na nagsa-suffer sa brain damage ay pinaniniwalaang mas mataas kaysa sa mga naitala.

Hindi na nakagugulat na ang head injury ay common sa boksing.

“It is estimated that when a boxer gets a direct blow to the head it is like being hit by a 12lb padded, wooden mallet travelling at 20mph!”

Kapag natamaan sa ulo ay maaring maging sanhi ng fractures sa buto sa ulo at mukha. Maaari ring mapinsala ang tissue sa utak.

Ang suntok na tumatama sa ulo ay posibleng ika-damage ng surface ng utak, pagkapunit ng nerve networks, sanhi ng lesions, pagdurugo at pagkakaroon ng malaking blood clot sa utak.

Depende ang pinsala kung ang isang manlalaro ay professional o amateur.

Body damage
-Ilan sa maaaring matamo ng katawan sa pagboboksing: cuts (sugat at hiwa); bruises (gasgas); broken teeth (pagkasira ng mga ngipin); dental problems (iba pang problema sa bibig gaya ng pagkasira ng gilagid); broken ribs (bali-baling ribs); internal bleeding (pagdurugo sa loob ng katawan); pinsala sa internal organs.

Pinsala sa mata
-Ang mga mata ay napoprotektahan ng matigas na buto sa gilid nito. Ngunit maaring mapinsala ang mga mata kapag direktang tinamaan ng suntok sa gitna at ilalim.

Ang pinsala sa mata sa boksing ay maaring magresulta mula sa direct contact o mula sa shock waves sa fluid contents nito. Depende rin sa pwersa o lakas ang pinsala na pwedeng idulot sa retina gaya ng retinal detachment, retinal hemorrhage at iba pa.

Mas madaling kapitan ng sakit ang ex-boxers sa kanilang pagtanda
-Ang mga dating boksingero ay more vulnerable sa natural na pagtanda ng utak o kaya naman ay magkaroon ng sakit sa utak. Maaaring sila ay magkaroon ng Alzheimer’s at Parkinson’s disease.

Ang utak ng isang boksingero ay maliit at ang surface grey matter ay manipis. Ang ventricles sa utak ay lumaki dahil nabawasan ang white matter sa utak.

Ilan lamang ito sa mga pinsalang pwedeng makuha sa pagboboksing. Kaya nga kung mapapnsin ninyo puspusan ang training ng mga boksingero. Subalit ang pinsala na maaring idulot nito sa katawan ng boksingero ay hindi mapipigilan dahil sa invovle dito ang sakitan, direktang patama ng suntok sa iba’t ibang parte ng mukha at katawan.

Kung inyong mapapansin, kada matatapos ang isang laban ng boksingero ay kaagad na dinadala sila sa ospital o klinika upang matiyak na wala silang tinamong grabeng pinsala.

Sa isyu naman ng Pambansang Kamao kung magreretiro siya o hindi, ito ay nakadepende sa kanya.

Kahit marami sa atin ay nais na siyang patigilin sa pagboboksing, nasa kanya pa rin ang desisyon.

Tayo naman ay lagi lang nakasuporta sa kanyang mga laban.

Ngunit sana, pag-isipan ni Manny ang pinsalang maaaring idulot sa kanya ng boksing. Nasa kanya na ang lahat kung pag-uusapan ang pananalapi. kapangyarihan at impluwensya. Malaki na ang napatunayan niya sa boksing. Isa pa maliliit at sobrang bata pa ng kanyang mga anak, mas gugstuhin ng kanyang mga anak na lumaki silang may ama.

Congrats Manny!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply