Boksing di maka-Kristiyano– obispo

PANINIWALA ng isang Catholic bishop na hindi maka-Kristiyano ang larong boksing dahil ang larong ito ay nakakapanakit ng kapwa.

Dahil dito, hindi rin pabor si Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez sa sports na ito.

Aniya, kapag sinuntok ang isang tao, kahit na ito ay sa larangan pa ng sports o palakasan, ay mistulang sinunsuntok na rin ang Ispiritu Santo.

“It is un-Christian to hurt others,” ayon pa kay Gutierrez.

Binigyang-diin ni Gutierrez na ang katawan ng isang tao ay itinuturing na “templo” ng Ispirutu Santo kaya’t hindi ito dapat saktan o abusuhin.

“I don’t approve of boxing because you are hurting the other. Every person is a temple of the Holy Spirit. If you box someone and punch him, it’s like you’ve also punched the Holy Spirit, the temple,” dagdag pa ni Gutierrez.

Kasabay nito, sinabi ng obispo na matagal na niyang pinapayuhan si People’s boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na magretiro na sa pagbo-boksing, at mas pagtuunan ng pansin ang kaniyang mga constituent.

“He just said ‘opo’. Meaning, ‘go ahead, you have your (way), I have my own (way),” anang Obispo.

Ang pahayag ni Gutierrez ay kasabay nang matagumpay na laban ni Pacquiao kay Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada ngayong Mayo 8 (petsa Sa Pilipinas).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply