Bomb detection equipment binigay ng US sa Cotabato

PINAGKALOOBAN ng U.S. State Department ng bomb-detection equipment na nagkakahalaga ng P3.8 million ang North Cotabato Police Provincial Office.

Ayon sa pamunuan ng PNP, ang naturang kagamitan ay kinabibilangan ng 27 iba’t-ibang aparato tulad ng X-ray golden XR 200 source kit, zibrascope, bomb disposal suit, Vanguard at under-vehicle inspection mirrors.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimeo Cruz, Jr. ay aangat at lalakas pa ang kampanya ng kapulisan ng North Cotabato laban sa terorismo at iba pang uri ng karahsan sa lalawigan sa pamamagitan ng naturang mga bomb-detection equipment.

Napag-alaman na ang probinsya pa lamang ng Cotabato ang unang nabigyan ng Amerika ng kahalintulad na kagamitan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply