Bonel Balingit: PBA star noon, tambay ngayon!

NAALALA n’yo pa ba ang higanteng basketbolista sa ilalim ng Sunkist ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Bonel Balingit?

Natuklasan naman ng mga sources na si Balingit ay patambay-tambay na lang sa isang lugar sa Basak Alumnos sa Cebu City.

“Minsan pasyal kayo ng Alumnos, makikita n’yo daw siya (Bonel) roon na madalas tumatagay daw lalo na kung Linggo. Tambay na lang siya doon,” ayon sa source.

“Mapapansin mo naman siya kasi napakalaking mama niya habang hawak-hawak daw ang malaking bote ng beer na parang 8 ounce lang ng softdrinks na nasa kamay niya.” dagdag pa nito.

Matatandaang sumikat si Balingit noong 1995 nang madiskubre ang kanyang height sa lalawigan ng Cebu.

Noong 1995 PBA season, kasama si Balingit sa mythical second team na kinabibilangan din niona Boybits Victoria (Sunkist), Jojo Lastimosa (Alaska), Alvin Patrimonio (Purefoods) at Nelson Asaytono (Sunkist).

Ang Sunkist-Alaska rivalry ay kuminang sa 21st season ng liga.

Napanalunan ng Sunkist Orange Juicers team ang unang dalawang conferences laban sa Alaska Milk.

Subalit ang Alaska ay bumangon at bumalik sa finals sa ikatlong pagkakataon at ikalimang sunod sapul noong 1994 Commissioners Cup kung saan sinagupa nila ang San Miguel Beer para sa Governors Cup title na umabot pa ng Game 7 ngunit nanalo ang huli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply