Bong Revilla, Miriam Santiago muling ikakasal

MULING ikakasal sa Simbahan ang dalawang mambabatas sa Senado bilang pagdiriwang ng mahabang samahan sa kani-kanilang kabiyak at pormal na muling ipangako ang marubdob na pagmamahal sa isa’t isa.

Ganito ang layunin nina Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., at Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos pormal na ipahayag ang “muling pag-iisang dibdib”  sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 taon at ika-40 taong pagsasama, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Sinabi ni Amy Manzo, media relations officers ni Revilla, nakatakdang ikasal muli sina Revilla at Bacoor Rep. Lani Mercado sa St. Therese Chapel sa tabi ng Resort World Hotel sa Arnaiz St., Makati City sa Mayo 28, 2011.

Nakatakdang umalalay naman sa muling pag-iisang dibdib nina Revilla at Mercado ang dating major sponsors nito na sina dating Pangulong Fidel Ramos, dating Pangulong Joseph Estrada at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Makakasama rin ng tatlong nagdaang pangulo si Manny V. Pangilinan, may-ari at chief executive officer ng Philippine Long Distance Telephone Company, Smart at Manila Electric Company.

Piling celebrity guest, kaibigan at kaanak ang imbitado sa kasal ni Revilla kabilang ang 30 entertainment journalist sa pangunguna ni Ricky Lo, Cristy Fermin, Manay Lolit Solis at Jobert Sucaldito.

Nagkakilala sina Revilla at Mercado sa showbiz na biniyayaan sila ng anim na anak, tatlong babae at tatlong lalaki na ilan ang pumailanlang sa entertainment industry.

Kay Santiago naman, nakatakdang maging best man nila ni dating DILG Undersecretary Narciso “Jun” Santiago si Pangulong Benigno Aquino III at nakatakdang isagawa ang pagdiriwang ng 40th Wedding Anniversay sa Manila Cathedral sa June 19, 2011.

Pangungunahan ni His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales ang nuptial mass sa ganap na 6:00 p.m. at saka ipapahayag ang lugar ng reception.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply