Bonggacious na ang dati-rati’y poor girl na si Clara!

SA victory party ng “Mara Clara,” malaya naming nakausap ang dalawang female lead ng numero unong serye sa primetime na sina Kathryn Bernardo (Mara) and Julia MOntes (Clara). Kung bad ang image ni Julia sa serye, in person pala’y kabaligtaran ang lahat.

Masinop si Julia sa kanyang kinikita. Nakabili na ito ng bagong kotse at kasalukuyan ay nag-iipon para sa pagpapatayo ng kaniyang dream house. Lola’s girl si Julia  kaya’t mahal na mahal nito ang lola na siyang nag-aruga’t nagpalaki sa kanya.

Siyempre pa, ang pinakamasaya sa tagumpay ni Julia ay ang kaniyang nanay na hindi rin nagpabaya sa pagpapalaki sa ngayo’y sikat nang anak.

Mabait din si Julia sa dalawang kapatid (isa’y 15-year-old at ang isa’y 9-year-old)  and in fact,  ang salbaheng Clara sa Mara Clara ang siyang nagpapaaral sa dalawang kapatid na lalaki.

Good karma si Julia kaya’t tuloy-tuloy ang akyat ng project o blessings sa 16-year-old na dalagita.

***

Pinabulaanan din ni Julia ang blind item kung saan siya’y itinuturo bilang isnabera o malditang batang aktres. Diumano’y sa isa nilang show, may humihingi ng kaniyang autograph pero inisnab daw nito ang nasabing fan.

Sa nasabing preskon, klinaro ni Julia na wala siyang natatandaang ganong insidente.

Sa dinami-dami nga ng fans na gustong makalapit sa casts ng Mara Clara sa isa nilang out-of-town shows, hindi maiwasang magkagulo dahil sa mga unruly fans na gustong makalapit sa mga artista.

Natural lamang na itataboy sila (mga artista) ng mga guard sa waiting van para sila’y makaiwas sa sakit o kurot, at dito na nagsisimula ang alingasngas na nang-isnab diumano sila ng fans.

Well, you can’t please  everybody.

***

SA imbitasyon pa lang, ramdam mong pinagkagastusan ng milyones ang nalalapit na 25th Wedding Anniversary nina Senator Ramon “Bong” Revilla,Jr.  at Honorable Lani Mercado-Revilla na gaganapin sa May 28, Saturday at 3 p.m. sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus, Manulnas St., Villamor Airbase, Pasay City.

Bongga ang mga principal sponsors, huh! Former President Joseph Estrada, Former President Fidel V. Ramos, former president Gloria Macapagal-Arroyo, Mayor Alfredo Lim, former senator Ernesto Maceda,  Ramon Ang, Atty. Felipe Gozon, Mr. Menardo Jimenez, Mr. Henry Sy,Jr., Mr. Jimmy Duavit, Mr. Vic del Rosario,  Mrs. Amelita Ramos, Mrs. Gretchen Cojuangco, Rep. Cynthia Villar, Rep. Georgina de Venecia, Mrs. Teresita Ang, Mrs. Lily Monteverde, Mrs. Mercedes Gotianun, Mrs. Elizaneth Quisumbing, Mrs. Armida Syguion-Reyna, Mrs. Wilma Galvante, Ms. Lolit Solis at kuya Germs Moreno.

Ang reception ay gaganapin sa Sofitel  Philippine Plaza, CCP Complex, Roxas Boulevard at 6 p.m.

***

TILA wala sa limelight ngayon ang magdyowang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Ang latest naming dinig sa couple, they enplaned to Europe after the successful 2011 Star Magic Concert sa US last April.

Maybe, ninanamnam ng dalawa ang kapaligiran sa  iba’t ibang parte ng Europa, away from fans na laging nakabuntot sa kanila.

Basta ang alam namin, magiging busy ulit si John Lloyd next month dahil sa sangkatutak na projects na nakalaan para sa kanya.

Andami na ring nakaka-miss kay Lloydie, sa totoo lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply