Bonggacious red carpet para sa mga artista, movie press

NAGKAROON ng celebrity/press screening ang teleserye na “100 Days to Heaven” nung Linggo sa Cinema 7 ng Robinsons Galleria. Sobrang red carpet treatment ang mga guests sa nasabing screening at bonggacious sobra ang event.

Feeling nasa-Oscar Awards ang byuti ko. Sosyal na sosyal ang dating dahil dapat lang talagang ipagmamalaki ang content ng teleseryeng ito. Kakaiba, promise!

As in grand premiere ang dating kahit patikim lang sa early part ng nasabing teleserye, pero sulit na sulit na ang early peeks into what is expected sa mga kasunod na episodes nito.

Dumating doon ang buong cast at sumuporta rin ang ilan sa talents ng Kapamilya network gaya nina Jairus Aquino, Makisig Morales, Sam Milby, Jessy  Mendiola, Kathryn Bernardo at marami pang iba.

Pagkatapos naming mapanood ang ilang episodes ng “100 Days to Heaven,” ang masasabi lang namin ay ito ang seryeng hindi dapat palagpasin at dapat panoorin ng tao.

Ang “100 Days to Heaven” ay bagong serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Coney Reyes, Xyriel Manabat at Shaina Magdayao.

Binigyang-din dito ang kahalagahan ng mga mabubuting asal na maaaring nakalimutan na ng karamihan sa mga kabataan ngayon.

Makulay at makahulugang buhay ni Anna (Xyriel) gabi-gabi sa premyadong istasyon sa telebisyon, ang ABS-CBN 2 at magsisimula ngayong May 9 sa mahusay na direksyon ni Malu Sevilla. Remate

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply