Bornok na ilusyon ng may-ari ang nagpapabagsak sa sariling TV station

EWAN natin kung anong klaseng negosyante itong si bossing. Nagnenegosyo ng palugi. Labas nang labas ng pera, pero wala namang pumapasok.

Ika nga, kahit ang pinakamalalim na balon ay nauubusan din ng tubig. Hindi sa lahat ng panahon ay willing magbigay ang kanyang organisasyon para buhayin ang istasyon na siya lang naman ang nakikinabang.

Mabuti sana kung hindi inggitero at ilusyunada si boss. Eh, saksakan ito ng ilusyon sa katawan. Ang gusto nito siya lang ang bida.

Akalin mo bang pati mga tauhan niya ay kinaiinggitan niya?

Nang umangat at tumaas ang rating ng programa ng mga talents niya ay pinagtatanggal niya ito kesehodang mauwi sa wala ang milyones na kikitain sana nila sa commercials.

Giatay!

Ngayon gumagawa siya ng hakbang para maisalba ang nalulugi niyang istasyon sa pamamagitan ng pag-aabot-abot ng lagay sa media, eh, wala din namang nangyayari. Kahit anong sulat d’yan sa istasyon mo kung hindi naman magaganda ang programa, balewala ang mga pralala.

Imagine, nagbigay pa ito ng bagong caru sa isang lider ng grupo ng mga manunulat para mabigyan siya ng pagkilala, ano ang nangyari? Pabulusok pa rin ang business n’ya.

Tila may sumpa pa nga ang bagong-bagong tsekot na ‘yun dahil nu’ng i-drive nu’ng pinagbigyan, nabangga ang lekat. Mabuti na lang at naawa pa ang anitong si kulapo at konti lang ang damage niya at ng brand new car.
Sus ginoo!

Sana magising na si boss. At sana rin i-touch siya ni Lord para magbagu-bago naman ang kanyang pag-uugali. Isipin n’ya naman ang mga taong umaasa’t nagtitiwala sa kanya.

***

Starlet may trauma sa patay

GRABE ang pinagdaanan sa buhay ng starlet na ito na asawa ng aktor na kapatid ng sikat na aktor na wala na sa mundo.

‘Yung mister niya namatay nang walang-wala. Pinilit sana nitong makautang sa isang kaibigan na may negosyo sa Makati ngunit hindi siya pinagbigyan dahil ano ang ibabayad niya gayong wala siyang project?

Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos nitong sumubok na mangutang, kinuha siya ni Lord. Ang masaklap, ayon sa kanilang kapitbahay na nakausap ng inyong abang tsismosong lingkod, paggising ni starlet, dedo na si mister. Subalit ang pinagtataka ng mga kalugar nila, bakit daw saka lang nag-panic ang una kung kailan matigas na ang bangkay?

Baka raw nu’ng kasarapan ng tulog nito ay ilang oras nang dead si mister. Eh, tanghali siya nagising, so, pagmulat ng kanyang mga mata bigla siyang nahambal sa nagisnang eksena.

Naka-recover na sana ang bida natin sa gayong mga eksena after nang ilang taon, heto naman ang friend niyang singer na bigla ring nalagutan ng hininga sa kanyang mga bisig.

Nakasakay sila noon sa taxi papunta sa isang show nang biglang ma-heart-attack ang kanyang kaibigan at DOA (dead on arrival) ito nang dalhin  niya sa hospital.

Hirap na hirap din itong friendship niya nang mawala sa mundo at siya ang namroblema sa pagpapalibing nito.

Napakadakilang kaibigan. Sana dumami ang lahi mo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply