Boykot sa black coral trade suportado ni Zubiri

SINUPORTAHAN ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang panawagan ng Palasyo sa lokal at international communities na iboykot ang kalakalan at bentahan ng black corals matapos matuklasan ang malaking bahagi na nasira sa coral reefs sa Mindanao.

Sinabi ni Zubiri na dapat itakada ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang agenda o mag-lobby para sa international cooperation sa Southeast Asia dahil natuklasan na maraming poachers sa loob ng ASEAN ang kumikita ng salapit dito.

Nakatakdang magsagawa ng ocular inspection ang komite ni Zubiri sa nakumpiskang coral ng awtoridad sa Gate 3 ng South Harbor sa Maynila kasama ang ilang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at  Bureau of Customs.

Magtapos nito, maghahatid din siya ng isang privilege speech sa Senado upang kondenahin ang patuloy na pagwasak sa coral reefs sa bansa partikular sa Moro Guld at Sulu Sea na mahigit 7,000 ektarya ng sea bed ang winasak.

Iimbitahan ni Zubiri ang ilang opisyal ng pamahalaang lokal na apektadong lugar upang matukoy kung ano ang dapat gawin ng Kongreso sa problema.

”If they fail to attend we will subpoena them to get to the bottom of this. We should put this illegal activity to stop, we should investigate to see who is behind it and for the proper agencies to file the necessary charges, I do not doubt the will power of this administration to enforce the law,” giit ni Zubiri.

Ihahain naman niya sa Senado ang panukalang itaas ang badyet para sa proteksiyon ng wildlife habitat hanggang makapaglikha ng wildlife police tulad sa Brazil at Africa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply