Brigada Eskwela ng DepEd simula na

SINIMULAN ngayong Lunes, Mayo 23, ng Department of Education  (DepEd) kanilang programang “Brigada Eskwela” o ang paglilinis sa mga eskuwelahan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 6.

Layunin ng Brigada Eskwela na tiyaking malinis at ligtas ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa darating na pasukan.

Bilang panimula ng nasabing programa, nagsagawa muna ng motorcade ang mga tauhan at opisyal ng DepEd na pinangunahan ni Education Secretary Armin Luistro. Pagkatapos, dumiretso sila sa Bago Bantay Elementary School bilang hudyat ng pagsisimula ng programa sa paglilinis. Katulong ng mga guro ang mga estudyante at ang kanilang magulang. sa paglilinis ng kanilang paaralan.

Nakilahok rin sa programa ang local government units (LGUs) at mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Samantala, nauna nang naglinis noon pang nakaraang linggo ang ibang eskuwelahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply