Brigada Eskwela pangungunaha ng DepEd

KAUGNAY sa nalalapit na pagbubukas ng klase, pinangunahan na ng Department of Education ang (DepEd) ang programang “Brigada Eskwela” sa iba’t-ibang paaralan

Layuni ng DepEd sa programang Brigada Eskwela na linisin ang mga pampublikong paaralanm at pagkukumpuni ng mga sirang upuan at iba pang gamit sa pakikipagtulunganang mga non-government organizations (NGO), mga magulang, estudyante, guro, business sector, civic organizations at maging mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Nakapaloob din sa programang ito ang pagdo-donate ng mga construction at cleaning materials na gagamitin sa paglilinis at repair ng eskwelahan.

May motorcade sa Lunes, Mayo 23, mula sa DepEd Central Office sa Pasig patungong Bago Bantay Elementary School sa Quezon City at gagawin ang isang ceremonial  program.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro ay nagpaabot na ang Australian Agency for International Development (AAID) at United States Agency for International Development (USAID) na tutulong sila sa Brigada Eskwela sa pamamagitan ng pagkupkop sa ilang public school na kanilang ire-repair at pipinturahan.

Ang Brigada Eskwela ay tatagal hanggang Mayo 28. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply