Brillantes nasa stable condition na

WALA nang dapat ikabahala ang mga kaanak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes.

Ito matapos ihayag ni Comelec Spokesman James Jimenez na nasa stable condition na si  Brillantes.

Ayon naman kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, bigla raw tumaas ang blood pressure at blood sugar ni Brillantes na naging sanhi ng kanyang pamumutla.

Sinabi ni Jimenez sa pamamagitan ng kanyang twitter na kasalukuyan pa ring inoobserbahan si Brillantes na posible umanong dumaranas ng kundisyong may kinalaman sa gastrointestine.

Bandang 6:30 Miyerkules ng gabi, Mayo 4, nang dalhin sa Manila Doctors Hospital si Brillantes dahil umano sa pagkahilo at physical discomfort. Teresa Tavares/Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply