Bubong ng RCBC bank sa Masbate pinasabog

ISANG bomba na nakasilid sa isang bag ang inilaglag at pinasabog sa bubungan ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) kamakalawa ng gabi sa ulat ng pulisya kanina.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr naganap ang pagpapasabog ng hinihinalang isang uri ng improvised explosive devise bandang 10:10 ng gabi sa isang sangay ng RCBC Bank sa Masbate.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ng PNP Public Information Office base sa inisyal investigation ng , isang lalaki na customer ng katabing Sampaguita restaurant ang nakitang nag-iwan ng bag na sinasabing naglalaman ng bomba sa bubungan ng banko.

Ilang minuto ang nakalipas isang malakas na pagsabog at pumunit sa katahimikan ng gabi subalit mapalad namang walang nasugatan.

Ayon naman kay P/Inspector Ayn Natuel, tagapagsalita ng PNP  Bicol region, kanila nang inaalam ang pagkakilanlan ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply