BuCor chief Diokno magbabakasyon

NAGHAIN na ng leave of absence si Bureau of Corrections (BuCor) Director Ernesto Diokno matapos sumabog ang kontrobesiya sa pambansang piitan kung saan nagkaroon ng espesyal na pribilehiyo ang sentensyadong si dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Ayon kay Justice Usec. Francisco Baraan III, ngayong umaga (Mayo 23) isinumite ni Diokno ang kaniyang leave sa tanggapan mismo ni Justice Sec. Leila de Lima.

Paliwanag naman ni Baraan, layunin umano ng desisyon ng BuCor chief ay para bigyang-daan ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa sinasabing “special treatment” sa ilang high-profile inmates sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Nabunyag ang iskandalo matapos mahuli ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Leviste na lumabas ng Bilibid nang walang kaukulang pahintulot. Natagpuan ng mga ahente ng NBI ang dating gobernador sa sa LPL Towers sa Makati City.

Si Leviste ay nahaharap sa anim- hanggang 12-taong pagkakakulong sa kasong pagpatay sa dating aide na si Rafael de las Alas.

Itinalaga  naman ni Baraan si BuCor assistant director Teodora Diaz na siyang magsisilbing officer-in-charge ng kagawaran habang naka-leave si Diokno.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply