BuCor Diokno nagbitiw, LTO Torres dapat sumunod

MARAMING mamamayang Filipino ang bumilib sa ginawang kusang loob na pagbibitiw ni Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno nang siya ay magtungo sa Malakanyang at magpaalam kay Pangulong Noynoy Aquino para kusa nitong lisanin ang kanyang puwesto dahil sa kontrobersyal  na paglabas masok sa kulungan ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Ultimo nga si Pangulong Noynoy ay bumilib at pinuri ang ginawang pagbibitiw ni Diokno dahil ipinakita lang ng dating BuCor chief ang kanyang delicadeza.

Bagama’t si Diokno sa pangyayaring ito at dati ay sinasabi niyang hindi siya guilty sa VIP treatment na naibibigay kay Leviste ng pamunuan ng bilangguan, namutawi pa rin sa puso ni Diokno na magbitiw na lamang siya sa posisyon  dahil baka makasama pa sa magandang imahe ng pamahalaang Aquino.

Sa isang banda kung ako naman ang nakabakasyong si LTO Chief Virginia Torres ay ganito rin ang gagawin ko na magkukusang loob na akong magbitiw at hindi ko na hihintayin pa na tanggalin pa ako ng Pangulo sa iba’t ibang kontrobersiyang kinasabitan ko.

Mararamdaman naman ng dating hepe ng LTO na hindi na siya asset o kapaki-pakinabang sa pamahalaan kundi magbibigay pa siya ng dagdag na pagbaba ng rating ng Pangulong Aquino.
Si Diokno ay nasabit sa paglabas-masok ni Leviste sa kulungan at si Torres naman sa mas maraming nagawang negatibo sa taumbayan.

Dahil si Torres ay kinasuhan sa DOJ at QC Court sa “maanomalyang pagkampi” sa nagpakilalang “ibang may-ari ng IT provider ng LTO, ang Stradcom Corp.”

Ang aksyon ni Torres ang naging dahilan para mahinto ang operasyon ng LTO ng ilang oras kaya ang mga kukuha ng lisensiya at magrerehistro  ng sasakyan  ay naaabala. Higit na naging  nakaaawa ang mga galing pa ng probinsiya para tubusin ang mga nakumpiskang license.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply