Bucor scam inilantad ng dating preso kay DOJ Sec

BASAHIN natin ang isang bukas na liham na ipinadala sa atin ng isang dating preso ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa.

Dear Madam Leila De Lima ng (DOJ ):

Bigyan ko kayo ng tips kung talagang gusto ninyo na malinis ang BUCOR.

Kung gusto ninyo ng info sila kung paano ang hirap na dinaranas nila sa mga jail guard  na laging nangongotong sa kanila.

Ang mga dala para sa asawa ay kinukuha ng mga ganid na guard. Alam din nila ang mga anomalya sa loob dahil nagsusumbong ang kani-kanilang mga asawa at ikinukuwento ang hirap na dinaranas sa loob ng Bilibid.

Kausapin din ninyo ang mga lumaya nang preso na at tiyak na magkukuwento sila at di na matatakot kasi nasa labas na sila. Kung kakausapin lang ninyo ang mga preso at bigyan ninyo ng proteksyon, tiyak lahat sila ay kakanta at sasabihin sa inyo ang lahat ng nangyayari sa loob ng Munti.

Best information ang manggagaling sa mga RVO, pari, pastor at religious volunteers sa DOJ.
Kausapin ninyo sila isa-isa nang close door. Tiyak marami kayong  makukuhang detalye at infomation tungkol sa corruption sa loob ng Munti.

Hindi pwedeng sabay-sabay dahil tiyak na may maghuhudas na RVO at kakampi ni Ernesto Diokno at baka ipagkanulo kay Diokno yung tapat na pari, RVO o pastor kaya may danger. Itutuloy

SUGALAN SA PASAY DI MATIBAG

Untouchable ang loteng at bookies ng karera ni Roger Palengke sa Pasay City. Hindi kumikilos si Pasay City chief of police Supt. Napoleon Cuatog,este, Cuaton para huliin ang mga pasugalan ni Roger Paleng-ke. Ang ginagamit na kapitalista ni Roger ay  isang alyas Carlo ng Makati.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply