Budget sa CARP pinadadagdagan ng DAR

GUSTONG padagdagan  ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa  pamahalaan ang nailaang budget nito para sa pagpapatupad ng extended Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil sa inaasahang kakulangan ng pondo bago matapos ang programa sa taong 2014.

Sinabi  ni Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes, umaabot lamang sa P150 milyon ang budget na inilaan ng gobyerno sa ilalim ng extended CARP na nagsimula noong 2009 at magtatapos sa 2014 na masyadong maliit aniya sa mga gastusin ng programa.

Sa ilalim anya ng programa, hindi lamang pamamahagi ng lupa ang ginagawa ng ahensiya kundi pati ang pagbibigay ng support services sa mga magsasaka upang gumanda ang kita, pagpapautang at program development kasama na ang mga post-harvest facilities at farm to market roads.

Sinabi ni delos Reyes na kaya nga ngayon ay nagtutulungan ang ang ahensiya kasama ang DENR at DA upang higit na matulungan ang mga magsasaka sa kanilang kabuhayan.

Binigyang diin pa nito na ang naturang pondo ay nabawasan pa mula sa mga gastusin sa ilang  hektaryang lupa na hindi naipamahagi bago ma-extend ang CARP o nung panahon na pinagtatalunan pa sa Kongreso ang pagpapalawig sa CARP.

Gayunman, malaki ang kumpiyansa ni delos Reyes na matatapos nila sa pagtatapos ng extended Carp sa 2014 ang pamamahagi ng lupa na umaabot sa 135 milyong hektarya ng lupa na target land distrubution ng DAR sa ilalim ng naturang programa. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply