Buhawi sa NZ kumitil sa isang Pinoy

TINAPOS ng isang buhawi ang buhay ng isang 37-anyos na Pilipino matapos tangayin ito at ihampas sa pader kamakalawa ng hapon sa New Zealand.

Sa nakarating na ulat sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakilala ang biktima na si Benedict Dacayan, residente ng North Shore District at tubong-Pilipinas.

Napag-alaman na may lakas na 200 kilometro kada oras ang bilis at lakas ng buhawi na kumitil sa buhay ng biktima.

Maliban sa masaklap na sinapit ng biktima, inangat din ng buhawi ang mga nakaparadang sasakyan pati na ang mga naglalakihang puno at inilipad ang naglalakihang bubong ng shopping mall.

Ayon sa isang nursing student na si Sophie Bond, sinikap niyang matulungan ang biktima, ngunit kalunos-lunos ang sinapit nito kaya’t hindi na maisasalba pa ang buhay sa gitna ng malakas na ihip ng hangin.

Sinabi pa ni Bond na laking gulat nila nang masaksihan ang malakas na pagbuhos ng dugo mula sa ulo ng biktima.

Samantala, labing-apat pang katao ang nasugatan, subalit ikinonsidera ng mga awtoridad na malaking milagro pa rin ang naganap dahil iisa lamang ang binawian ng buhay.

Kaagad namang nilinis ng emergency crews ang lansangan kung saan nakakalat ang mga nabunot na puno at mga yero.

Ang naturang insidente ang pinakahuling kalamidad na tumama sa New Zealand na sinundan ng dalawang malakas na lindol sa Christchurch.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply