Bukidnon PNP Chief sibak

SINIBAK sa puwesto ni PNP Director General Raul Bacalzo ang Provincial Director ng kapulisan sa lalawigan ng Bukidnon at ang hepe ng PNP sa bayan ng Malitbog, isang araw matapos salakayin ang isang police station ng mga hinihinalang New Peoples Army (NPA).

Si Senior Supt. Cristeto Rey Gonzalodo, Bukidnon PNP Provincial Director, at si Senior Insp. Alexander Eugenio, Chief of Police ng Malitbog, Bukidnon ay na-relieve sa kanilang mga puwesto dahil sa kapabayaan at command responsibility ayon kay Gen. Bacalzo.

Magkakaroon umano ng “full-dress investigation” para malaman ang tunay ng pangyayari sa naturang insidente.

“That unfortunate incident … could have been prevented … had the local PNP units heeded the guidance of the national headquarters to maintain operational readiness and initiate a proactive defensive posture,” pahayag ni PNP spokesman Agrimero Cruz Jr.

“Gone are the days when the NPA (New People’s Army) can go on a killing and looting frenzy with impunity.” dagdag pa ni Cruz.

Sibak din sa puwesto ang lahat ng 24 kapulisan na naka-assign sa naturang lugar at pinalitan ng mga miyembro ng Regional Public Safety Management Battalion.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply