Bukod pa sa PPV, Pacman kikita ng $20-M

ANG PINAKABONGGA at inaasahang hitik sa akisyon ang trilogy sa pagitan nina pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao kontra kay Mexican challenger Juan Manuel “Dinamita” Marquez ay magkakatuparan na sa Nobyembre 12 sa Las Vegas, Nevada.

Sa ikatlong paghaharap, kikita si Pacquiao, dating panadero ng tinapay sa GenSan, ng $20 milyon, hindi pa kasama ang kikitain sa pay-per-view (PPV).

Ganito din ang kinita ni Pacman, pinakamayang mambabatas ngayon, sa nakaraang bangasan niya ng mukha si Shane Mosley nitong Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa pagpirma naman ng kontrata ni Marquez, nakatitiyak naman ang WBA at WBO lightweight kingpin ng $5 milyon at bahagi ng PPV revenues.

Isa sa kondisyon at kasama sa kontrata, ang ika-apat na paghaharap kung tatalunin ni Marquez si Pacquiao at $10 milyon guaranteed purse ang makokopo ng una (Marquez) sa ika-apat nilang paghaharap.

“Bukod kay Floyd (Mayweather), ito ang inaabangan ng mga boxing crazy fanatics sa buong mundo: ang trilogy na Pacquiao-Marquez,” sabi ni sports guru Aurelio “Reli” de leon, isa sa mga mga manager ni Pacquiao sa panayam ng writer na ito nitong Martes kung saan nanguna si de leon sa pagbubukas ng kauna-unahang Dr. Romeo H. Gustilo Neuro Science Center sa 3rd floor, Tower 1, CP Manahan Annex ng Makati Medical Center  kasama sina PBA legend Robert “Sonny” Jaworski, Dr. Manuel Canlas, lawyer Jun Pactoran,  Dra. Regina Macalintal-Canlas, sportsman-businessman Hermie Esguerra at sports veteran columnist Joaquin Henson.

“Magandang laban ito (Pacquiao-Marquez). Tiyak magiging mahigpitan ang labanan nito,” ani naman ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay, Jr.

Sa panayam ng writer na itt nitong Lunes sa Philippine Stock Exchange Building sa Ortigas kung saan ang RP age group team na ginabayan ni NCFP grass roots development program head olympian GM Jayson Gonzales ay nag courtesy call kay Pichay.

May catchweight na 144 libre ang trilogy kung saan nakasalang ang WBO welterweight tiara ni Pacquiao, magaling na mambabatas mula sa Sarangani province.

Si Marquez ay kinapos sa kanong si Floyd Mayweather noong 2009 sa parehong catchweight. Sa unang pagkikita nina Marquez at Pacquiao ay nauwi sa “controversial split draw” noong 2004.

Bagama’t tatlong beses na pinabagsak ni Pacquiao si Marquez ay himalang nakabangon pa ang huli at naka abot pa sa kanilang 12th round brawl.

Noong 2008 para sa kanilang rematch ay nauwi naman sa split decision na pumabor ang mga hurado kay Pacquiao.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply