Bukod sa droga: Taguig kanlungan ng hijackers

BUKOD sa talamak na bentahan ng ipinagbabawal na gamot at nagkalat  na pusher ay nagiging tatak na rin ng Taguig City na maging  tambakan ng mga hijack na sasakyan.

“We will intensify our intelligence group to unmask the suspects and put them behind bars.”

Ito ang sagot ni Taguig Police Station Chief P/SSupt. Apolinario Jr., kamakailan matapos bagsakan ng panibangong problema ang kanilang tanggapan hinggil sa hijack vehicles.

Matatandaan na unang malaking problema ng Taguig ay ang waring kendi na pagbebenta ng droga sa lugar at pagkalat ng mga pusher.

Kamakailan lamang ay nabulabog ang Taguig City sa pagkakadakip sa mga pusakal na tulak ng ipinagbabawal na gamot na pinangunahan nina Solivel, alyas “Badong” sa Barangay Bagumbayan.

Si Badong ayon sa Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ay isa lamang sa laksang bilang ng drug pushers na nakasuhan at naipakulong habang ang iba ay hindi pa nahuhuli ng awtoridad.

At habang nasa kainitan ang laban kontra sa droga, isang banta pa sa peace and order ang kinakaharap ngayon ng mga kapulisan sa Taguig nang matunton sa loob ng isang warehouse na pag-aari ng Anlud Metal Recycling Corporation ang isang Winged Van Truck (UVE 465) na tinangay ng hijackers mula sa may-ari nito na si Samuel B. Orendain noong Huwebes ng umaga, sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Orendain na dahil may Global Positioning System (GPS) ang kanyang sasakyan ay dagli nilang binagtas ang Daang Manunuso, Barangay Ibayo-Tipas kasama ang pinagsanib na puwersa ng NCRPO at Region 4 at natunton ang kanyang sasakyan.

Sa nangyaring operasyon, napag-alaman na agad naipagbili ng hijackers ang sasakyan ng biktima sa Anlud Metal Recycling Corporation sa halagang P50,000 kasama ang kargamento nitong mga karton.

Bukod sa sasakyang nabawi ni Orendain ay natambad din sa pulisya sa loob ng warehouse ang iba pang behikulo na may mga plakang RFF442 at RHM869 na hinihinalang binili rin ng nasabing kompanya mula sa hijackers.

Dahil sa mga kaganapang ito, hindi na umano tiwala ang mga residente ng Taguig sa peace and order sa kanilang lugar dahil waring naging kanlungan na ng mga sindikato ang Taguig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply