Bulkang Taal muling nag-alburuto

MULING nag-alburuto ang Bulkang Taal makaraang makapagtala na naman ng 12 pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, patuloy na nakataas sa alert level 2 ang Bulkang Taal at pinaalalahanan ang publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man malapit sa bunganga nito.

Ipinagbabawal ang pagpasok ng tao sa itinakdang Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa mataas na konsentrasyon ng toxic gases at explosion nito.

Patuloy namang mino-monitor ng Phivolcs ang Taal dahil sa pabago-bagong kondisyon nito.

Itinuturing ng active volcano ang Bulkang Taal dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply