Bulkang Taal muling nag-alburuto

NAG-ALBURUTONG muli ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas matapos makapagtala ng sampung (10) pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig patuloy pa rin na nakataas sa alert level 2 ang paligid ng bulkan at patuloy na mataas ang emission rate ng carbon dioxide sa bunganga nito.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Phivolcs sa publiko ang pagpasok ng sinoman malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog at mataas na konsentrasyon ng toxic gases.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay sa isla ng Taal.

Itinuturing na ang Bulkang Taal ay isang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto nito nitong nakalipas na mga taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply