Bulkang Taal patuloy sa pag-aalburuto

NAKAPAGTALA ang Philippine Volcanology ang Seismology (Phivolcs) ng 10 pagyanig sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24-oras.

Nabatid na tumaas din ang temperatura sa crater nito kung saan naitala ang 32 degrees Celsuis.

Nananatiling nasa alert level 2 ang Taal kung saan ipinagbabawal pa rin sa mga residente at mga turista na tumungo sa main crater, Mt. Tabaro at Daang Kastila Trial ang mga lugar na tinamaan ng malakas na pagsabog noong 1977 at 1965.

Taliwas sa pag—aalburuto ng Taal, nanahimik naman ang bulkang Bulusan sa Sorsogon na nakapagtala lamang ng tatlong pagyanig habang dalawa sa bulkang Mayon sa loob din ng nakalipas na 24 oras.

Nananatiling nakataas ang Bulusan at Mayon sa alert level 1.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply