Bulls dinagit ng Hawks

HINDI pumabor sa Chicago Bulls ang kanilang home-court advantage matapos silang dagitin ng Atlanta Hawks, 95-103, sa Game 1 ng 2010-’11 National Basketball Association (NBA) Eastern Conference semifinal.

Hiniya ng Hawks ang top seeded na Bulls matapos tumikada si Guard Joe Johnson ng 34 puntos, apat na rebounds at tatlong assists.

Dinaig sa statistics ni Johnson ang point guard ng Bulls na si MVP candidate Derrick Rose na may 24 points kaya nakauna ng panalo ang Hawks sa Best-of-7 series.

Kumalawit si Johnson ng 5 of 5 sa 3-point area at free throws kasama ang 12 of 18 sa field goals habang si Rose ay sumuwag lamang ng 2 of 7 sa 3-point at 11 of 27 sa FG.

Bumanat ng 15-2 run ang Hawks at sa huling 10:27 minuto sa final canto ay lamang ang mga ito, 80-71.

Malaki rin ang inambag ni Hawks bench player Jamal Crawford matapos isalpak ang 22 points, three assists at isang board habang nagdagdag si Jeff Teague ng 10 puntos, limang assists at dalawang rebounds.

Si Luol Deng ang nakatuwang ni Rose sa opensa na may 21 points, anim na boards at dalawang assists.

Pagkatapos ng laban, kinakabahan ang mga fans at Bulls players ng makita nilang namimilay si Rose habang papaalis sa hard court. Ang susunod na laban ay gaganapin pa rin sa lugar ng Bulls.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply