Bulusan muling nag-alburuto; ash explosion naitala

MULING nag-alburuto ang Bulkang Bulusan matapos makapagtala ng sampung (10) pagyanig sa paligid nito at pagbuga ng abo sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, ilang barangay sa mga bayan ng Irosin at Juban Sorsogon ay nabalot sa abo.

Sa ulat ng Phivolcs-Sorsogon kay Director Renato Solidum, nakapagtala ng dalawang milimetro ng abo ang bulkan na dinala ng hangin sa northwest side ng bulkan laluna ang mga barangay ng Caladgaw, Rangas, Puting-Sapa, Sangkayon, Bacolod, Buraburan, Gurayan, at Aniog sa munisipyo ng Juban, gayundin sa mga barangay ng Cogon, Bolos, Umagom, at Gulang-gulang sa bayan ng Irosin.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumagal ng sampung (10) minuto ang naganap na pagyanig sa paligid ng bulkang Bulusan.

Sinabi ni Solidum Jr., inaasahan na nila ang ganitong pagkilos ng bulkan na nasa alert level 1.

Base sa ulat ng ahensya, naging sanhi din ng pagsabog ang mga pag-ulan na dala ng bagyong Bebeng nitong nakaraan.

Nilinaw pa ni Solidum na hindi naman kalakasan ang pagsabog ng Bulusan ngunit posible pang masundan ito kaya patuloy ang kanilang babala sa mga residente na huwag papasok sa apat na kilometro na nasa ilalim ng danger zone.

Ang mga ash deposit ania ay umabot ng hanggang siyam (9) na kilometro mula sa crater ng bulkan.

Liban sa nangyaring explosion type earthquake, naitala rin ang 10 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Ang pagsabog ng Bulusan na sinundan ng rumbling sound ay narinig din hanggang limang kilometro mula sa bulkan.

Muling nag-abiso ang Phivolcs sa mga residente doon  na iwasan ang paglanghap ng abo at gayundin sa mga eroplano na huwag gumawi sa nabanggit na lugar upang hindi maapektuhan ng bulkan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply