Bumira kay del Rosario pinalayas ni Miriam

PINALAYAS ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang oppositor ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa confirmation hearing nito sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Hindi nagustuhan ni Santiago ang idinulog na reklamo ni Chung Hing Wong, alyas Joseph Wong, isang Filipino-Chinese businessman laban kay del Rosario na kinasuhan niya ng syndicated estafa, sampung taon na ang nakalilipas.

Nagalit si Santiago kay Wong dahil naka-pending pala ang kaso nito laban kay del Rosario sa Deparment of Justice at walang hurisdiksyon ang CA para dinggin ang reklamo.

Sa reklamo ni Wong, na-estafa raw siya ni del Rosario noong siya ay isa pang bank executive dahil hindi inaprubahan ang inuutang niyang P54 milyon sa halip ay P27 milyon lang noong 1996 hanggang 1997.

Ikinatwiran ni Santiago na wala siyang nakikitang matibay na ebidensya na may criminal liability si del Rosario sa nasabing usapin.

Sa kabila nito, tuluyang nakalusot sa CA  si del Rosario kasama ang isa pang miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino na si  Virgilio delos Reyes bilang kalihim nag Department of Agrarian Reform, maging ang 21 ambassador at 39 opisyal ng DFA.

Matapos ang kumpirmasyon, nagpasalamat si del Rosario sa mga miyembro ng committee sa pagbibigay ng tiwala sa kanya at nangako na mas pagbubutihin ang kanyang pagtulong sa mga kababayan sa ibayong dagat lalo na sa overseas Filipino workers (OFW’s) na naiipit sa kaguluhan sa Middle East at North Africa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply