Bunsong aktres nagaya sa kaelyahan ng kapatid

MATINDI ang naging sagutan ng mag-ina kamakailan lamang dahil sa balbong singer.

Gusto ni madir na layuan na ng anak nitong aktres ang boyfriend na singer dahil napapansin nitong tila nagiging matindi na ang pagkabaliw nito sa pag-ibig.

Pero lumalaban si aktres. Kung gaano kataas ang boses ni madir sa tuwing tatalakan niya ang kanyang hija ay mas tataasan pa ng huli ang kanyang tono, kesehodang lumabas ang mga litid nito sa kanyang leeg sa kasasagot sa kanyang ina ay wala siyang pakialam.

Subalit nu’ng finally ay naiipit na sa sitwasyon si aktres dahil lahat nang mga tinuran ng kanyang ina ay pawang tama naman at para sa kapakanan din niya ang lahat, isang matinding sagot ang pinakawalan nito, ‘bakit daw ang kanyang sis ay hindi pinagbabawalan gayong may BF din naman ito?’

Madalas din naman daw itong makipagkita sa karelasyon at ito pa ang gumagastos.

Hindi raw kumibo ang mabait na nanay. Tahimik lamang ito sa pagrarason ng kanyang isang anak.

Hindi naman kasi namimili si madir sa kung sino ang magiging boyfriend ng kanyang mga anak, ayaw lang niya sa balbonic singer dahil kilalang user at utangero ito. Samantalang ‘yung BF ng kanyang isa pang anak ay matino at galing sa ginagalang na pamilya.

Gayunman, may alam daw si bunso sa pinaggagawa ng kanyang kapatid. Hindi lamang niya sinasabi sa kanilang ina dahil siguradong gulo na naman ito.

At ano ang ‘extra curricular activities’ ni sis?

Well, kapag nakikipagtagpo raw ang huli sa papa nito ay umaatikabong dyugdyugan daw ang nangyayari. Ultimo nga raw sa Spa ay nagtsu-churvahan din ang mag-syota. Wala silang pinipiling lugar.

Mas okey pa nga raw si bunso dahil sa bahay ng BF n’ya o kaya sa hotel sila gumagawa ng milagro.

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na pangyayari. Sooner or later ay t’yak na pagpipistahan ito sa mga babasahin kapag nahulaan ng ating mga kapatid sa hanap-buhay kung sino itong tinutukoy namin. Hehehe!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply