Buntis, paslit kinatay ni lolo

PATAY ang pitong buwang buntis at tatlong-taong gulang na anak nito makaraang pagsasaksakin ng sariling biyenan sa La Union.

Dead-on-arrival ang mag-ina na sina Gerelyn Aguilar, 26, atang anak nito na si Gerryben sa nakilalang suspek na si Carlos Auilar, 56, kapwa taga Brgy. Tavora East, bayan ng Pugo, La Union.

Nabatid sa pulisya na habang nanonood ng telebisyon ang mag-ina sa kanilang silid, biglang pinasok ng suspek ang mga ito at pinagsasaksak.

Base sa isinagawang imbestigasyon, nagtamo ng 35 saksak ang buntis at siyam naman sa paslit.

Tinamaan din umano ng apat na saksak ang pitong buwang sanggol na nasa sinapupunan ng ina.

Kasalukuyan namang nakakulong ang suspek habang sigalot sa pamilya ang sinasabing dahilan ng pagpatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply