Bus driver kailangan ang Tesda certificate

HINDI na maaaring makapagmaneho ang bus driver na walang sertipikasyon ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda)  mula Enero 2013.

Ito ang nabatid kay dating hepe ng Land Transportation Office (LTO)  na si Alberto Suansing,  na ngayon ay consultant na ng Department of Transportation and Communications (DOTC), na naglinaw na sa ngayon ay hindi pa kailangan ang nasabing sertipikasyon.

Subalit binigyang-diin nito na mula Enero 2013 ay wala nang dahilan ang sinumang driver ng mga pampasaherong bus na hindi makakuha ng nito.

Sinabi ni Suansing na ang bagay na ito ay batay sa isang Department Order ng DOTC na nag-aatas sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na ipatupad ang nasabing kautusan.

Ang hakbang aniya ay bahagi ng patuloy na kampanya ng DOTC upang mawalis na ang mga kaskaserong driver sa bansa.

Kaugnay nito,inanunsyo ng DOTC sa mga may reklamo sa mga motorista na maaari aniyang magsumbong sa pamamagitan ng pag-text sa 7890 para masolusyunan ang problema.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply