Bus driver killer pinasusuko ng MMDA

NANAWAGAN ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bus driver na nakapatay sa journalist-professor na sumuko na sa awtoridad at harapin ang kinasasangkutang krimen.

Patuloy din na sinusuyod ng awtoridad ang bayan ng Tatay, Rizal at nakiusap sa mga kaanak at kaibigan ng suspek na si Daniel Espinosa, na makipagtulungan upang madakip ang suspek na nakapatay kay Lourdes “Chit” Estella-Simbulan sa aksidente sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Biyernes.

“Kailangang makuha natin si Ginoong Daniel Espinosa na alam kong maraming kaibigang nakikinig din na nagtatago sa Taytay, Rizal. Sana ay matapos ito within the day or in the next few days ng Quezon City police,” ayon kay Chairman Francis Tolentino.

Si Espinosa ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at patuloy na nagtatago matapos ang insidente.

Ipinangako naman ni Tolentino sa asawa ng biktima na si UP professor Roland Simbulan na bibigyan nila ng katarungan ang pagkamatay ng lady journalist.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply