Bus sumalpok sa Dubai, Pinay patay

NAMATAY ang isang Pinay habang pito ang nasugatan nang sumalpok ang isang bus nang mawalan ng preno sa Dubai sa United Arab Emirates, Martes ng gabi, Mayo 24.

Ayon sa report na nakalap sa site ng Gulf News, nawalan ng kontrol ang bus na minamaneho ng isang Pakistani dahil sa na-flat ang gulong nito.

“The 34-year-old Pakistani has been detained because, according to primary investigations, he is responsible for the accident. He should have doublechecked the tires’ pressure of the bus,” ayon kay Chief Traffic Prosecutor Salah Bu Farousha, Head ng Dubai Traffic Public Prosecution (TPP) sa naturang report.

Hindi naman nito pinangalanan ang Filipina na nasawi at ang Pakistani driver ngunit tinagurian nitong “tragic accident ” ang nangyari.

Nabatid naman kay Prosecutor Ali Khater, nagsasagawa ng imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver malapit sa World Trade Centre tunnel.

Kasalukuyan namang nakakulong ang driver habang ipinagpapatuloy ang imbestigasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply