Bus sumalpok sa tulay, 1 patay, 23 sugatan

PATAY ang isang matandang babae, habang sugatan naman ang 23 pasahero nang bumangga ang isang pampasaherong bus sa Bucong Bridge, sa Barangay Balingaoan, Candon City, kaninang madaling-araw.

Kinilala ni Candon City PNP chief of police Supt. Marlo Castillo, ang biktima na si Josefina Agcaoile Pacanuayen, 87, ng Claveria, Cagayan.

Nasa malubha namang kalagayan ang isa pang pasahero na si Inocencio Queja, sanhi ng tinamong sugat sa ulo at leeg habang ang natitira pang mga pasahero ay isinugod sa Candon District Hospital para sa kaukulang medikal na lunas.

Inimbitahan naman sa presinto upang hingin ang panig at posibleng sampahan ng kaukulang kaso ang drayber ng bus na RCJ bus line na si Rogelio Badua Vicente, 56-anyos.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang sumalpok ang bus na minamaneho ni Vicente sa naturang tulay.

Ayon sa ilan sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng naturang bus kaya pagsapit sa tulay ay biglang sumagi ang sasakyan sa isang bahagi ng tulay.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumama ang ulo ng biktima sa bakal na parte ng upuan habang ang natitira pang mga biktima ay nagtamo ng bukol, gasgas at bugbog sa iba’t ibang parte ng katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply