Bus swak sa bangin, 2 patay

DALAWA katao ang patay habang siyam ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang bus sa Negros Occidental kagabi, Mayo 4.

Ayon sa report ng dzBB, nahulog ang Ceres bus (body number 5229) sa may lalim na 70-meter na may biyaheng San Carlos City galing Bacolod City bandang 8 p.m.

Ayon sa inisyal na report ni San Carlos police chief Sr. Insp. Ariel Pico, isa sa mga nasawi ay ang driver mismo ng bus.

Habang ang apat sa siyam na sugatan ay dinala sa Bacolod City Regional Hospital dahil sa malubhang sugat na tinamo at ang iba pa ay dinala naman sa San Carlos City Hospital.

Batay pa sa ulat, nahulog ang bus sa Rizal village sa San Carlos City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply