Bus vs trak: driver ng motorsiklo dedo

PATAY ang driver ng isang motorsiklo at malubhang sugatan ang angkas nito matapos “ma-sandwich” ng bus at truck sa Novaliches sa lungsod Quezon.

Nabatid na nawalan umano ng preno ang dump truck na minamaneho ni Dino Aquiban at nahagip ang isang motorsiklong na nakahinto sa gilid ng kalsada at kinaladkad ito at naipit sa nakahintong bus.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima ayon sa pulisya.

Dinala na sa pinakamalapit na ospital sa lugar ang sugatang angkas ng motorsiklo.

Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang driver na si Aquiban ng reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply