Busilak ang puso sa pagtulong

SA kasalukuyan, bibihira  ang mga taong busilak ang puso sa pagtulong.

Sa isang daan, masuwerte nang may isang naligaw na ‘Juan’ na may pusong malambot at handang tumulong sa nangangailangan.

Ang mga pulitiko lang ang alam kung kalimita’y naggagawad ng iba’t ibang uri ng libreng suporta at tulong.

Halimbawa rito ang medical mission, kung saan sa pagtitipong ito ay may libreng konsulta at gamot mula sa gobernador o kaya’y mayor.

Sa mga medical mission na ito, pera ng bayan ang kanilang ginagastos kaya hindi nakapagtatakang sila’y nagsasakatuparan nito.

Pero kung sariling pera ang gagamitin sa pagtulong, aba’y baka walang medical mission sa mga baryo at barangay.

Kaya bilib tayo sa mga sibilyan o pribadong tao na hindi pulitiko na may mga pusong busilak sa pagtulong.

Klasikong halimbawa ay si Dr. Abraham Gan,  isang manggagamot na ‘kasiyahan’ lang sa puso ang bayad sa panggagamot.

Ang ibig ba nating pakahulugan eh, masaya si Dr. Gan kapag siya’y nakagagamot ng libre sa mga ‘kapos’ na may sakit.

Tumatanggap din ng bayad kapag may pambayad, pero kalimita’y inililibre ang konsulta sa mga mahihirap at walang maibayad.

Sa libo-libong doktor sa bansa, ilan lang, marahil ang nagbibigay ng libreng  panggagamot at isa sa kanila si Dr. Gan.

Sinasabi natin ito dahil buhay na saksi ang Chokepoint sa ‘di na mabilang na naging pasyente
ng matulunging manggagamot.

Kaya naman, abot langit ang papuri ng mga nagkaroon ng sakit at naging pasyente ng naturang doktor.

Si Dr. Gan ay isa sa mga doktor ng pamahalaang-lungsod ng Malabon at kasalukuyang nakatalaga
sa Bgry. Tonsuya.

Sa araw ay matatagpuan ito sa Tonsuya Health Center at sa gabi sa Saint Jude Medical Clinic sa Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa clinic na ito, nagsasagawa ng libreng konsulta si Dr. Gan sa mga may karamdaman, residente man ito ng kahit ibang bayan o lungsod.

Sa pakiwari natin, walang ibang mahalaga kay Dr. Gan kundi ang makatulong sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong ng isang manggagamot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply